Archive for Business

Site name ko yan ah!

Kasabay ng pagpunta namin ngayon sa Mapua Intramuros for my psycological exams, ay ang pag purchase namin ng new business namin ni mommy. perfume.

Idea ni mommy na perfume ang ibenta, pero ako ang nag encorage sa kanya na ituloy. Feeling ko kasi, kabilang sha sa mga ‘discouraged’ sa employment sa economics. kung tutuusin kasi, magaling sya. Tapos sya ng accountancy sa kilalang school sa Manila, tapos valedictorian siya ng high school at cumlaude naman sa college. Pero ayaw na daw nyang mag hanap ng trabaho kasi wala na daw tatanggap sakanya gawa ng age.

Anyway, enough about that. Eto na, wala kasing maisip na name si mommy, tapos pinilit nya ko na yung site name ko na lang daw ang gamitin. Nung una, ayoko, copyrighted kasi yun at ako ang may ari. ahah. pero pumayag na din ako.

Comments off