Posts Tagged Ebony

Fiesta

Here’s the deal. [May 16]
Seaching for the right blog host is driving me insane, it’s not a joke.
So if I don’t get the right one within the 24 hours of this day, it’s either
I’ll consider blogging the rest of my freakin life here in wordpress or get stuck with
a diary.
I won’t get a new host, because this time I’m sure that what I only want right now is to keep the site for eternity.

I went to my bestfriends’ house for their fiesta, and I’m happy that I was able to see my friends again. =D I enjoyed going there, at nahihirapan akong mag ingles ngayon, wahhahaha. Yun lang, masaya. Nanood kami ng Desperadas, pero di ko masyadong inintindi. Tapos kwentuhan at kantahan pati kainan. –Alis na nga ako!

Leave a Comment

Magulo kami!

May kaklase kong kambal, si Ebony at si Ivory. Si Ivory ang mas ka-close ko. So kanina, tinawagan ko sha sa phone. May importante kong sasabihin. E ang nakasagot ng phone si Ebony. Nagpapanggap ba naman na sha daw si Ivory. May sinasabi pang “bestfriends tayo eh” tawa tuloy ako ng tawa.

So sabi ko: Tawagin mo na nga si Ivory.
Sabi nya: Ako nga to!
ang sabi ko: Osige tawagin mo na lang si “Ebony”
Sabi nya: Ebony!

E nainsip ko, paano nga naman pupunta si Ivory, e Ebony ang tinatawag!

Sabi nya: Ako nga kasi to
Ako: Asan ba kasi si “Ebony”
Sya: Natutulog
Ako: Si “Ebony” natutulog?
Sya: Oo

Tapos parang naniniwala ko na natutulog nga si “Ebony” na si Ivory naman talaga. E maya-maya, tinanong ko ulit

Asan ba kasi talaga si “Ebony”
Sabi ba naman: “natae!” tumawa ko, sabi ko papansin sha. mayamaya ang sagot ba naman, na ihi daw. Sabi ko, napipikon na ko, tapos sabi nya, totoo daw.
E di sabi ko, bat ang tagal?
sabi ba naman. “kasi malay mo, may natirang tae”

naiinis na ko kanina, na natatawa. kaya sabi ko “importante nga! tawagin mo na si Ivory”
ang sabi ba naman “ako nga to! kahit tanungin mo pa ko ng secrets natin, masasagot ko”
so ang ginawa ko, tinong ko yung nagpapanggap na Ivory.

sabi ko, “sige sinong crush ni Ebony (e sha yun) si Mark diba?” (Mark: inaasar sakanya, kinaiinisan nya pag tinutukso sha doon) E di nahuli ko, kasi sabi nya “Hindi no!”
sabi ko: “o e bakit mo pinagtatanggol?”
Sabi nya: hindi ko kaya pinagtatanggol. hindi nya crush yon! MAHAL nya yun!

tawa tuloy ako ng tawa! tapos may kodisyon pang nalalaman.

tapos since sha si Ebony talaga ang sabi ko: ANG PANGET NI EBONY
ang sabi ba naman: di pangit yon no!
sabi ko: e bat mo pinagtatanggol? (e lagi, as in lagi, ang sinasabi nya mas maganda sha sa kakambal nya)
sabi ba naman: shempre kakambal ko yun e!

ayun, ewan ko dun, nababaliw na kaming lahat. Nakausap ko din naman ang tunay na Ivory e.

Comments (2)